DA, kinumpirmang papalo sa P19-M ang nakumpiskang ‘smuggled’ sugar sa Manila Port

Papalo sa kabuoang P19 millio na halaga ng smuggled sugar ang nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa Department of Agriculture (DA), na ang smuggled sugar ay mula sa limang five-container cargo, na ideneklara bilang insulators, surge arresters, slippers outsoles, at styrene butadiene rubber.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Pero sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga otoridad na ang shipment ay naglalaman pala ng refined sugar.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa ngayon, inihahanda na ng naturang ahensya ang paghahain ng legal charges laban sa consignee ng  shipment na Burias Jang Consumer Goods Trading.