Faustino, nagsalita na kaugnay sa kanyang pagbibitiw bilang OIC ng DND

Ipinaliwanag ni resigned officer-in-charge Department of National Defense (DND) Jose Faustino Jr. na napagdesisyunan niyang lisanin ang kanyang pwesto para protektahan ang reputasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Giit ni Faustino, hindi niya mapapayagan na mabahiran ang reputasyon ng AFP at mapulitika.

Sa gitna nito, pinuri niya ang AFP bilang institusyon na minahal, pinagkatiwalaan, ginalang ng mga mamamayang Pilipino at upright organization na professional, highly capable, at committed na protektahan ang bansa at mga tao mula sa lahat ng banta.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kinilala din nito ang mga sundalo, airmen, sailors, at marines na nagbigay ng kanilang mataas na regard para sa karangalan, serbisyo at pagiging makabayan.