Kulungan ang bagsak ng isang 32 anyos na lalaki matapos mahuli ng National Bureau of Investigation- Palawan nitong Sabado ng umaga, ika-7 ng Enero 2023.
Inireklamo si alyas “Zilong” ng dati nitong karelasyong babae na isang 25 anyos.
Ayon kay NBI Palawan Chief Atty. Renato Garbo III, si “Zilong” ay inireklamo ng pagbabanta sa biktima na kung hindi ito makikipagkita muli sa kanya at makikipagtalik ay ipagkakalat umano ang kanilang “sex videos”.
Noong taong 2020 pa raw naghiwalay ang dalawa subalit simula iyon ay patuloy na ang suspek sa pagbabanta na ilalabas ang maseselan nilang larawan.
Sa isang hotel sa BM Road Barangay San Pedro, ay nahuli sa entrapment operation si “Zilong” matapos silang magkasundo ng biktima na nagreklamo sa NBI.
Kinasuhan ito ng paglabag sa paglabag sa Republic Act 9262( Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), Republic Act 9995 ( Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 )at Grave Coercion.
Samantala, sinubukan ng Brigada na kunin ang panig ng suspek subalit tumanggi ito.