2 lalaki, arestado sa pagnanakaw ng sa loob ng isang gasolinahan sa Malilipot, Albay; isa pang suspek, nakatakas

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa kasong may kinalaman sa pagnanakaw partikular sa isang gasoline station sa Brgy. 1, Malilipot, Albay, habang nakatakas naman ang isa pang suspek.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jay”, 24 anyos; “Kenneth”, 21 anyos; at si “Jude”na pawang mga residente ng Brgy. Pigcale, Legazpi City.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa report, habang nasa loob ng Petro Gaz ang mga suspek partikular sa RTW shop, palihim na kumuha ang mga ito ng 5 folding umbrellas at inilagay sa loob ng asul na eco bag.

Nakita ng isang empleyado ng nasabing gasolinahan ang insidente at inalerto ang lahat ng empleyado na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang ang isa nilang kasamahan ay mabilis na nakatakas.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pagkatapos nito, agad silang humingi ng tulong sa pulisya at pagkatapos ay itinurn-over sa mga rumespondeng pulis.

Patuloy ngayong nagsagawa ng imbestigasyon sa mga saksi, at nirerepaso na rin ang CCTV footage.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malilipot MPS para sa kaukulang disposisyon.