PH military, mananatiling ‘united’ at ‘stable’ sa kabila ng transition of leadership sa AFP

Kasunod ng mga bali-balitang pagre-resign sa mga ranggo, siniguro sa publiko ng Philippine military na mananatili silang ‘united’ at ‘stable’ sa kabila ng transition ng pamumuno noong Sabado.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), naging ‘smooth ang nangyaring change of command mula kay outgoing chief of staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro papunta kay returning military chief Gen. Andres Centino.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paniniguro ng ahensya na ‘everything is normal.’

Paliwanag ng militar, bilang isang professional organization, ang buong AFP ay nagkakaiisa sa ilalim ng pamumuni ni Gen. Centino, kasabay ng kanyang pagpapatuloy na gawin ang misyong protektahan ang mga tao at depensahan ang territorial integrity at nationl integrity.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Mensahe naman ni Centino, sa kanyang pagbabalik, inaasahan niya ang suporta at backup ng dating commanding general. // SMM