Suportado ng isang senador ang panukalang paglikha ng isang task force laban sa mga illegal traders na nagpupuslit at nagbeebnta ng sibuyas upang matugunan ang issue sa talamak na smuggling at pag-iimbak ng mga produktong agrikultural at iba pang prime vegetable commodities.

Ginawa ni Senator Sherwin Gatchalian ang pahayag at tinitimbang ang kasalukuyang mataas na presyon ng mga sibuyas na ibinebenta sa mga lokal na pamilihan.
Ipinunto ni Gatchalian na ang kakulangan sa suplay ng sibuyas ay hindi lamang nakapipinsala sa mga magsasaka at mga consumers, kundi pati na rin sa mga negosyo, partikular na sa sektor ng pagkain.
Dapat din aniyang bantayan ng mga law enforcement agencies ang bilang ng mga onion traders sa bansa para epektibong masubaybayan ng gobyerno kung sino ang nagbebenta ng mga produkto sa mataas na presyo.//CA