Produksyon ng agri-products ng Pilipinas, dapat palakasin kasunod ng 8.1% na inflation rate nitong Disyembre 2022

Nanawagan para sa mas mahusay na produksyon ng mga produktong agrikultural sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng 8.1% na inflation rate nitong Disyembre 2022.

Bagama’t tumaas lamang ito ng .1 percent pagkatapos ng isang buwan, sinabi ni Marcos na ang mga agricultural products ang may pinakamalaking ambag ng inflation.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa pamamagitan nito, sinabi ng Pangulo, dapat pagbutihin ng gobyerno ang produksyon ng karne, bigas, prutas at gulay upang maalis ang imported inflation na nakuha sa pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Bukod sa agricultural goods, 11 percent din ang kontribusyon ng gasolina sa inflation number.//CA