Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa patuloy na bumababa

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health, bagamat may naitalang 459 na bagong impeksyon ngayong araw, patuloy na bumababa ang aktibong kaso na may 11,779, bahagyang bumaba mula noong Miyerkules na 11,786.

Ang COVID-19 cases  sa buong bansa ngayon ay may kabuuang 4,065,910.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 2,519 na impeksyon.

Sinundan  ng Calabarzon na may 1,211, Central Luzon na may 581, Western Visayas na may 341, at Cagayan Valley na may 270.

Ang recovery tally ay tumaas sa 3,988,860, habang ang death toll ay tumaas din sa 65,451 na may anim na bagong nasawi.//CA