Nakahanda nang bisitahin ng Commission on Elections (Comelec) ang Kalayaan sa Palawan upang mas pataasin pa ang bilang ng nagpaparehistro sa lugar.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, planong pumunta ng komisyon sa Kalayaan Island sa darating na January 14 para i-highlight ang registration hindi lamang sa mga lugar na madaling makita, kung ‘di maging sa mga lugar na katulad ng Kalayaan Island.
Bukod sa naturang lugar, nais ding bisitahin ng COMELEC ang iba pang remote islands gaya ng ng Batanes, Tawi at Tawi.
Ongoing naman ang ginagawang koordinasyon sa pagitan ng ahensya at ng mga awtoridad sa Kalayaan para sa isasagawang registration drive.
Ang voter registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ay nagsimula noong December 12, 2022 at magtatapos sa January 31, 2023. // SMM
