Ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19 sa bansa, epektibo pa rin ayon sa DOH

Nananatiling epektibo ayon sa Department of Health ang ipinatutupad na health protocols laban sa anumang variants ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, ang pagpapataw ng karagdagang restrictions sa mga incoming travelers o anumang pagbabago sa COVID-19 protocols sa bansa ay dapat nakabatay sa science at ebividence-based.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Noong december 31, naglabas ng isang memorandum si  DOH officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire na nanawagan ng pagiging alerto sa lahat ng mga biyahero mula sa China.

Read More:  Macalintal to challenge SC ruling on barangay, SK term extension

Nanawagan ang ahensya mahigpit na implementasyon ng boarder control at health protocols sa lahat ng boarders at kani-kanilang operating units.

Hinihintay ngayon ng health department ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung palalawigin o hindi ang state of calamity ng bansa dahil sa COVID-19.//CA