11 taong gulang na batang lalaki sa Daraga, naputukan ng five-star

Isa na namang indibidwal ang nabiktima ng paputok sa lalawigan ng Albay partikular sa bayan ng Daraga.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, ang biktima ay isang labing-isang taong gulang na lalakin na kumonsulta sa doktor noong Disyembre 29 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagtamo ng pagkasunog ang biktima matapos itong maputukan ng five star kung saan kamuntikan nang maputol ang kanyang daliri.

Base sa tala ng ahensya, ito na ang ikatlong kaso ng firecracker-related injury sa nasabing bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Pinaalalahan pa rin ang publiko ngayon sa pagsalubong ng bagong taon na mas mainam na huwag nang gumamit ng paputok upang wala sa pamilya ang nagbabagong taon sa ospital.

Mas mainam umano na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay para sa pagsalubong ng bagong taon.