Brazilian football icon Pele, pumanaw na sa edad na 82

Pumanaw na si Brazilian football icon Pele matapos ang ilang taon nitong pakikipaglaban sa sakit na cancer, sa edad na 82.

Si Pele na tinaguriang ‘greatest player of all time’ ay sumakabilang buhay habang nasa Albert Einstein hospital.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nakilala si Pele dahil sa pagkapanalo nito ng tatlong World Cups — noong 1958, 1962 at 1970., na hindi pa nagagawa ng kahit na sinong football player.

Dahil dito kung bakit hinirang siya bilang athlete of the century ng International Olympic Committee noong 1999.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Dahil sa kanyang angking galing sa football binsnasagan siyang “O Rei” (The King), at umi-score ng 1,000 goals na isa sa nanatanging record sa sport, bago ito tuluyang magretiro noong 1977.