Himas-rehas na ang isang Norberto T. Solas, 61 anyos ng Candis 111, Brgy Bacungan, Puerto Princesa City matapos siyang mahuli ng City PNP kaninang umaga, ika- 29 ng Disyembre 2022.
Sa pangunguna ni PCOL ROBERTO M BUCAD, City Director, PPCPO ay nahuli sa bisa ng arrest warrant si Norberto sa Barangay Irawan bandang alas-nwebe ng umaga.
Most Wanted ng Leganes MPS, Iloilo City ang pugante sa kasong Murder with the Use of Unlicensed Firearms na walang inirekomendang pyansa.
Nagpasalamat at ipinagmamalaki naman si PCOL. BUCAD ang matagumpay na pagkakahuli ng pugante sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng City Police ang suspek na nakatakdang iharap sa korte.