IATF, pag-uusapan na kung magpapataw ng mahigpit na travel restrictions mula sa mga travelers sa China

Nakadakdang pagdiskusyunan ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 o IATF ang planong pagpapataw ng travel restritions para sa mga Chinese Travelers.

Ito ay makaraang imungkahi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagbabalik ng mandatory COVID-19 testing sa mga inbound travelers mula sa China sa gitna ng nararanasang infection surge doon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa isang panayam, sinabi ni DOTr Usec. Mark Steven Pastor na tuluy-tuloy ang pagko-coordinate nila sa IATF, Department of Health (DOH) at iba pang mga health experts para sa panukalang paghihigpit ng restrictions sa mga paliparan.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Tiniyak naman ni Pastor na susunod sila sa mga magiging rekumendasyon ng mga eksperto.

Sa ilang mga bansa kagaya ng Amerika – magkakaroon na rin sila ng testing requirements mula sa gma travelers mula sa China.