1 piraso ng 40mm cartridge HEDP, narekober sa basurahan

Narekober sa isang basurahan sa compound ng isang Pool Resort sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City ang isang piraso ng 40mm cartridge HEDP ( Active ).

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, narekober ito ganap na alas-kwatro nwebe kahapon ng hapon ng isang nangongolekta ng basura.

Ang insidente ay agad niyang ipinaalam sa isang kawani ng Bantay Bayan Foundation na siyang nagreport sa Explosive Ordinance Disposal ( EOD ).

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Samantala, kinustodiya ang bala sa EOD-K9 Palawan.