Provincial buses, papayagan na gumamit sa Edsa simula sa Dec. 24-Jan. 2

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papayagan ang mga provincial buses na gumamit sa Edsa mula Dec. 24 hanggang Jan. 2.

Ito umano ay para pahintulutan ang mga provincial buses na ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya para sa holiday season at tiyakin ang convenience at comfort ng mga commuters.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa ilalim ng holiday setup, ang mga bus mula sa North Luzon ay magtatapos ang kanilang trip sa mga terminal sa Cubao, Quezon City, at ang mga bus naman mula sa South Luzon ay magtatapos ang kanilang trip sa mga terminal sa Pasay City.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Matatandaan na ang mga provincial buses ay ban sa Edsa simula noong 2019, alinsunod sa kautusan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board, sa layuning tanggalin na ang mga bus terminals sa Edsa upang ma-decongest ang lumalalang trapiko. //MHEL PACIA