1 lola at dalawang apo nito, tinangay ng rumaragasang tubig baha sa Quezon, sinaklolohan

Maswerteng nailigtas ang isang lola at dalawa nitong apo matapos silang tangayin ng rumaragasang tubig baha sa Barangay Quinlogan, Quezon Palawan.

Kinilala ang lola sa pangalang “Diday” habang ang mga apo nito ay isang anim at apat na taong gulang.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Sinubukan umano nilang tawirin ang ilog bandang alas-dos ngayong hapon sa kabila ng malakas na ulan para sana puntahan ang mga alagang hayop.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Mabilis naman silang sinaklolohan ni ginoong Rey Bocol at sila’y naiahon sa ligtas na lugar.