Suspek sa hit and run, tinutugis na

Tinutugis na ng personahe ng Juban MPS ang bus driver na suspek sa hit and run sa Brgy Rangas, Juban, Sorsogon.

Kinilala itong si Jose Lester Villanueva Peñaranda, 40-anyos, may asawa at naninirahan sa Mabuhay City, Brgy Mamatid, Cabuyao, Laguna. Habang ang biktima ay nakilalang si Jaimy Alem Jr, 30-anyos at residente ng Brgy Caruhayon ng nasabing bayan.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ayon sa ulat, iniwan umano ng suspek ang kanyang minamanehong Grandbird Kia bus at tumakas sa hindi malamang direksyon matapos na mabundol ang biktima habang ito ay patawid sa kalsada.

Naitakbo pa ang biktima sa ospital ng rumespondeng MDRRMO subalit idineklara itong wala ng buhay ng sumuring doktor.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ikinasa agad ng Juban MPS ang isang hot pursuit operations subalit  hindi nadakip ang suspek.

Nasa kustudiya na ngayon ng Pulisya ang bus para sa kaukulang disposisyon.