Mga hotels sa Caramoan, Camarines Sur, fully booked na

NAGA CITY – Fully booked na ang mga hotel sa Caramaon, Camarines Sur para sa ngayong Holiday Season.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Christian Aries Guevarra, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer sa bayan.

Katunayan unti-unti nang nagsisidatingan ang mga turistang magbabakasyon maging ang mga nagsisi-uwiang mga local tourist kung saan ina-asahan ang mas maraming bakasyonistang pupunta sa bayan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Guevarra, nakahanda naman sila at kasalukuyang nakakatulong ang mga nirequest nilang mga Tourist Police na nakadeploy sa mga resorts, coastal areas, at maging sa mga hotel. Masiguro lamang ang seguridad, peace and order lalo na ngayong mapupuno ng bisita ang tourist destination.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa ng opisyal na makaka-asa ang mga turista na kaya silang i-accomodate bagamat puno na ang mga hotel dahil may ilang mga home owners rin ang nag-a- accommodate at tumatanggap ng mga bisita bukod sa pinapayagan layunin din kumita rin ang mga ito kahit hindi mga Department of Tourism Accredited, sadyang ang pinaprayoridad at dapat na mga mapuno muna ay ang mga hotel na accredited na.