Kamara, aprubado na ang NSTP replacement bill sa ikalawang pagbasa

Aprubado na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6687, na humihiling para sa institution ng National Citizens Service Training Program (NCST) na papalit sa National Service Training Program (NSTP) Act.

Ang naturang panukala ay consolidation sa 28 proposed measures, na karamihan ay humihiling na ibalik ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga high school o college students.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Mababatid na ito ay isa sa mga priority measure ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng naturang panukala, ang NCST Program ay magiging mandatory para sa mga estudyante na kumukuha ng undergraduate degree programs sa parehong pampubliko at pribadong institusyon, at mga nag-enrol sa two-year programs sa technical-vocational institutions.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Ito ay magtatagal ng apat na semesters o 240 hours sa loob ng dalawang school years.