Civil Aeronautics Board, nagbaba ng kanilang fuel surcharge level para sa January 2023

Nagbaba ng fuel surcharge level para sa buwan ng Enero sa susunod na taon ang Civil Aeronautics Board kasunod ng pagbaba ng presyo ng jet fuel.

Sa isang advisory , inihayag ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla na ang fuel surcharge para sa January 1 hanggang January 30, 2023 ay ibinaba sa Level 7.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sa monitoring period ng ahensya mula November 10 hanggang December 9 , ang presyo ng jet fuel ay nasa average na P41.50 kada litro, na ayon sa CAB ay tumutugma sa Level 7 ng Passenger and Cargo Fuel Surcharge Matrix.

Ang antas ng fuel surcharge para sa January 2023 ay mas mababa kaysa sa kasalukuyang antas.

Sa ilalim ng Level 7, sisingilin ang mga pasahero ng P219 hanggang P708 fuel surcharge para sa domestic flights at P772.71 hanggang P1,124.26 para sa international flights, depende sa distansya ng flight.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Samantala, sa ilalim ng kasalukuyang Level 8, ang fuel surcharge para sa domestic passenger flights ay mula P253 hanggang P787 depende sa layo ng biyahe.

Para sa mga international passenger flights na nagmula sa Pilipinas, ang fuel surcharge ay mula P835.05 hanggang P6,208.98.