PhilHealth, magpapatupad ng karagdagang na 0.5% increase sa monthly contribution sa 2023

Inaasahang magpapatupad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng karagdagang 0.5 percent increase sa monthly contribution ng kanilang mga miyembro, simula sa Enero sa susunod na taon.

Dahil dito, ang premium rate ay tataas sa 4.5 percent sa 2023 mula sa kasalukuyang four percent.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ang naturang increase ay ipinag-uutos sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Ang yearly increase sa contribution rate ay magtatapos sa 2025.

Mababatid na nagsimula ito noong 2019, nang maisabatas ang Universal Health Care Law.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ang increase sa kontribusyon ay gagamitin para lalo pang mapaganda ang primary care benefit package o ang KonSulTa (Konsultasyong Sulit at Tama) package, ng PhilHealth, kung saan magbibigay ito ng consultations, health-risk screenings, laboratory tests, at mga gamot. //MHEL PACIA