NAGA CITY – Nasa 81 na ang aktibong kaso ng TB o Tuberculosis sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur, mababa ito kumpara sa ibang bayan at patuloy ang gamutan.
Karamihan mga matatanda ang dinadapuan, 10% o walo naman sa mga ito ay mga bata.
Matatandaan na ang bansa ay nakapagtala ng mahigit 26,000 kaso ng tuberculosis sa unang anim na buwan ng 2022 na iniulat ng Department of Health (DOH) na karamihan sa mga ito ay mga lalaki na nasa 16,290 habang 9,711 ay babae.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng LGU Camaligan, sinabing kung ikukumpara sa ibang bayan mababa ang naturang kaso sa bayan at hindi ikina-aalarma ng opisina bukod kasi sa namomonitor nila, agad na hinahanap ang mga naging close contact saka ipinapa-inom ng mga gamot nang hindi na dumami pa ang kaso.
Ang sakit na TB ay nakakahawa sa pamamagitan ng droplet o laway mula sa taong infected nito at unti-unting nabubuo ang micro bacteria tuberculosis hindi lamang sa atay maging sa utak, buto ng tao na kapag hindi naagapan lumalala lalo na may kasong hindi nakikitaan ng sintomas ang ilan. Kapag may mga sintomas na katulad ng dalawang linggo nang inu-ubo, sinisipon, masakit ang likod, biglaang pagpayat magpakunsulta na kaagad sa doktor.