NAGA CITY – Aabot sa P3.6M na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng illegal na droga sa lungsod ng Naga matapos na masawata ang mga ito sa ikinasang Drug Buy Bust Operation kaninang 5:40 ng umaga sa Diversion Road, Brgy. Concepcion Pequeña.
Kinilala ang mga suspek na sina Benjamin Fernandez y Urbano, 35-anyos ng San Francisco, Iriga City; Melrose Del Rosario at ang asawa nitong si Lolito Del Rosario, pawang residente ng Barangay Balatas, Naga City.
Napag-alaman ng Brigada News FM kay PSMS Tobias Bongon, Tagapagsalita ng Naga City Police Office na resulta ito ng malawakang monitoring ng mga otoridad sa mga nauna nang mga operasyon sa mga nagdadala ng illegal na droga na pumapasok at lumalabas ng Lungsod.
Ang operasyon ay pinangunahan mismo ng City Intellegence Unit ng Naga City Police Office.