OFW na misis patay sa saksak ni mister sa Bombon, Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na misis matapos na saksakin ng mister sa Bombon, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas- 9:20 ng gabi nitong Disyembre 12 , 2022. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mag-asawang sina Salvador Boaquiña y Fajardo, 41-anyos at misis na si Manilyn Boaquiña y Adante, 32-anyos hanggang sa pinagsasaksak ni mister si misis.

Matapos ang insidente kaagad na sumuko sa barangay official ang mister habang isinugod sa ospital sa Naga si Manilyn pero ideneklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Rechilda Matias hepe ng Bombon PNP sinabi nitong ang salaysay ng suspek nandilim ang kaniyang paningin matapos na sumbatan o kumprontahin ng asawa ukol sa paghahanapbuhay o trabaho.

Sinabi ni PSMS Diosdado Domalasa, Chief ng PCAD sa Bombon, sinabi pa ng suspek na minsan ay nakiki ani ito pero walang permanenteng trabaho.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sinubukan ng BNFM na kunin ang panig suspek pero hindi ito nagpa unlak.

Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ni Manilyn, kauuwi lang nito noong Nobyembre. Napag-alaman pa ng BNFM na labis-labis ang pagtulong nito sa pamilya babalik sana ito sa abroad sa Enero, pero magpapasko pa lang tuluyan na itong namaalam.