Backlogs ng LTO sa motorcycle license plates, papalo pa sa 11M; 92k driver’s license

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO), na mahigit 11 million na mga motorcycle license plates at 92,000 driver’s licenses ang hindi pa nagagawa at naipamamahagi sa mga intended recipients.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade, na ilan sa mga dahilan sa backlogs ng pag-imprinta ng driver’s licenses ay ang depektibong laser engraving machines sa ilan nilang district at extension offices sa mga probinsya.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Aminado si Tugade, na kasalanan nilang hindi nagkaroon ng sapat na mga stock para matugunan ang mga potensyal na future breakdown ng mga equipment.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Dagdag ng kalihim, na inaasahang maayos ang malfunctioning machines bago ang February 1, 2023. //MHEL PACIA