Mutya ng SoCot 2nd Runner-up Kimberly Porras, kinoronahan bilang Miss Glamour Look Philippines 2022

KORONADAL CITY- KINORONAHAN bilang Miss Glamour Look Philippines 2022 si Mutya ng South Cotabato 2nd Runner-up Kimberly Porras na residente ng bayan ng Lake Sebu.

Isinagawa ang coronation night kagabi kung saan nakuha nito ang ilang mga awards na kinabibilangan ng Best in Grand Arrival Look, Best in National Costume at Best in Evening Gown.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito, indineklara rin bilang runners-up ang ilan pang mga kandidata na kalahok sa nasabing pageant na nagmula pa sa mga lugar ng Luzon at Visayas.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala, i-rerepresenta ni Porras ang Pilipinas sa Miss Glamour Look International 2023 na isasagawa sa bansang Indonesia.