Anim na rehiyon sa bansa ang kasalukuyang apektado ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal Industry.
Ayon kay Dr. Samuel Joseph Castro ang National Deputy Director ng National ASF Prevention and Control program, ang mga lugar na may aktibong kaso ng ASF ay ang regions I, III, IV-A, VI, VIII, at XII.
Ayon kay Castro, sinisikap nilang maipa-abot hanggang sa barangay ang mga programa para labanan ang ASF.
Sinabi naman ni Lani Plata Serna, supervising science research specialist ng BAI, na sa hogs supply outlook ng DA hanggang October 20, 2022 , magkakaroon ng kakulangan sa karne ng baboy sa kasalukuyang quarter ng taon.

Sinabi niya na ang bansa ay mayroon na ngayong 95 percent sufficiency level ng supply ng baboy, na mas mababa kaysa sa ikatlong quarter ng taon.//CA