Kahalagahan ng abaca sa ekonomiya ng rehiyon, binigyang-diin ng PhilFida Bicol

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PHILFIDA) Bicol ang kahalagahan ng abaca lalung-lalo na ngayong nagsisimula nang mag-recover ang rehiyon.

Inihayag ni PHIFILDA Bicol Regional Director Mary Ann Molina sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na maraming mga stakeholders ang nakadepende sa abaca fibers.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Katunayan nito umano, mayroong ilang mga grading baling establishments sa rehiyon at ito ang mga fiber-exporting firms.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Aniya, pagdating sa pag-export, kung walang mga abaca ay wala silang mai-export, dahil maraming mga fiber crafts processors na nakadepende rito.

Dagdag pa nito, nakasalalay umano sa mga abaca ang direct and indirect na kabuhayan at kita ng mga tao.