Traslacion sa susunod na taon, suspendido pa rin

Mananatiling suspendido ang Traslacion ng Itim na Poong Nazareno sa Enero 2023, ayon sa Quiapo church.

Binigyang-diin ni Fr. Earl Allyson Valdez, na magkakaroon ng milyon-milyong mga deboto na  magtitipon para makilahok sa prusisyon at nais nilang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo pa’t nandiyan parin ang COVID-19.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Ayon sa opisyal, ang kanilang desisyon ay base na rin sa kanilang konsultasyon sa mga pari, local government units, at iba pang kinauukulang ahensya.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Sinabi ni Valdez na maaari pa ring ipakita ng mga deboto ang kanilang pananampalataya sa ibang paraan.

Sinabi ng mga opisyal na magdadagdag sila ng kabuuang 34 na banal na misa na nakatakdang idaos mula Enero 8 hanggang 9 para ma-accommodate ang inaasahang dami ng mga deboto. //CA