Kaso ng hand, foot and mouth diseases (HFMD) sa Bicol rehiyon, umakyat na sa mahigit 300 – DOH Bicol

Naitala sa rehiyong Bicol ang mahigit tatlongdaang kaso ng hand, foot and mouth diseases HFMD batay sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol mula Enero uno ngayong taon hanggang sa kasalukuyan.

Sa tala ng ahensya, 62 ang naitalang kaso ng HFMD mula sa mga sentinel sites/hospitals, habang 259 naman ang nairehistro sa mga komunidad na katumbas ng tatlongdaan at dalawampu’t isang kaso.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nagsimula umanong magkaroon ng paisa-isang kaso ng HFMD sa rehiyon noong Marso sais sa kasalukyang taon at una itong naitala sa lalawigan ng Sorsogon.

Pagsapit naman umano ng Hulyo bente kwatro, ika-30 linggo ng taon ay lalong tumaas ang mga kaso nito kung saan nanguna pa rin ang Sorsogon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa parehong datos, sa 6 na lalawigan sa rehiyon ay Albay lamang ang hindi nakapagtala ng mga kaso ng HFMD sa nasabing peryodo.

Samantala, ayon sa ahensya, wala namang naiulat na nasawi dahil sa nasabing sakit sa sentinel hospital at maging sa komunidad.