Masbateña, pang-6 sa mahigit 1K examinees na pasado sa 2022 Forester Licensure Exam

Hindi akalain ng isang Masbateña na si Nadine Almodiel na makukuha niya ang rank 6 sa Forester Licensure Examination na isinagawa noong nakaraang buwan, Oktubre 26-27.

Si Almodiel ay tubong San Jacinto, Masbate at nagtapos sa kursong BS in Forestry sa Bicol University College of Agriculture and Forestry sa Guinobatan, Albay.

Sa 1, 116 na examinees na nakapasa, nakuha ni Almodiel ang rank 6 sa nakuha nitong puntos na 90.75%.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Nanguna dito si Regein Calunsag mula sa Central Mindanao University na nakakuha ng puntos na 92.95%.

Sinundan naman ito nina Ren Antoinette Leovido at Irene Mae Baldsano ng UP-Los Banos na nakakuha ng puntos na 92.25% at 91.70%.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Ayon sa PRC, ang UP Los Banos ang itinanghal na top performing school kung saan mayroon itong 117 sa 121 o 96.69% ang nakapasa sa lahat ng mga kumuha ng exam.

Isinagawa ang naturang pagsusulit sa ibat-ibang lugar sa bansa tulad ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Davao, at Zamboanga.