MDRRMOs at BDRRMOs sa Albay, inalerto na para sa gagawing paglikas ng mga residente ngayong araw

LEGAZPI CITY – Handang-handa na ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa posibleng pagtama ng bagyong Paeng sa lalalwigan ng Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Cedric Daep, ang head ng nasabing opisina, sinabi nitong, inalerto na ang lahat ng MDDRMO, CDRRMO at BDRRMO sa lalawigan sa gagawin paglikas ng mga residente ngayon araw.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, 24/7 na ring naka-standby ang mga ito sakaling magpatupad ng mandatory evacuation sa mga barangay.

Sa ngayon kasi pinag-aaralan pa ng opisina ang tinatahak na direksyon na tatamaan ng bagyo sa rehiyon upang malaman kung sino ang magiging prayoridad na ililikas sa barangay.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Umaasa ang opisyal na wala nang residenteng makikipagtigasan sa pamahalaan sa paglilikas patungo sa nasabing pasilidad upang makamit ang zero-casualty sa bagyo.