3-anyos, patay sa baha sa Lake Sebu

KORONADAL CITY — PATAY ang tatlong taong gulang na bata matapos tangayin ng tubig-baha sa Sitio Upper Talubek, Barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, nangyari ang insidente nang pinilit tawirin ng mag-ama ang tubig-baha na umaapaw sa sementadong daan sakay ng kanilang motorsiklo.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ngunit natumba umano ang motorsiklo ng mga ito at inanod ang 3-taong gulan na bata.
Kinumperma din ng alkalde na bago pa man nangyari ang insidente, binalaan pa ng mga residente ang mag-ama na huwag tawirin ang baha dahil malakas ang agos ng tubig.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ngunit nagpumilit umano ang ama na pinaniniwalaang naka-inum.

Sa ngayon, nagbigay na ng tulong ang municipal government ng Lake Sebu sa pamilya ng biktima.