Philippine Coast Guard naka-heightened alert para sa Undas

CAMARINES NORTE- All- set na ang paghahanda ng Philippine Coast Guard para sa pagunita ng Undas.

Sa katunayan, simula pa noong Oktubre 24 ay activated na ang Oplan Biyaheng Ayos alinsunod na rin sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr).

Sa harap na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang probinsya para bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station sinabi nito na mayroon silang DOTr Malasakit Help Desk sa Mercedes Fish port, gayundin sa Paracale, Vinzons at Jose Panganiban.

Ito ay para sa crowd control at umalalay na rin sa pagbibigay ng direksyon at first aid.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Magdi- deploy din ng mga tauhan ang Coast Guard sa ilang sementeryo sa lalawigan simula October 31 upang maging katuwang ng PNP sa pagsiguro ng kaayusan at pagpapatupad ng health protocols.

Ani Rosales, bagamat niluwagan na ang face mask mandate ay mayroon pa rin aniyang restriction pagdating sa public transport at kasama dito ang pampasaherong bangka.