No sail policy nakataas ngayon sa buong lalawigan ng Camarines Norte, Coast Guard nagpaalala sa lahat lalo na sa mga mangingisda makinig sa mga ipinalalabas na abiso

CAMARINES NORTE- Naka- red alert status ngayon ang buong lalawigan ng Camarines Norte dahil sa Tropical depression Paeng.

Nakataas na  rin simula pa kahapon ang no sail policy sa  karagatang sakop ng lalawigan hanggang hindi ma- lift ang gale warning upang makaiwas sa mga posibleng disgrasya.

Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa lahat lalo na sa mga mangingisda na makinig sa mga ipinalalabas na abiso.

Ayon kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station, mayroon na namang sama ng panahon kaya’t kinakailangang mag ingat ang lahat.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

“Meron na naman tayong sama ng panahon doble ingat po tayo lalo na sa mga maliliit na mangingisda kasi amihan season na naman po tayo andito lang po ang Coast Guard, ready po anytime na meron tayong kalamidad naka- ready po kami,” ani Rosales.

Pinaalalahanan din ni Rosales ang mga residente sa isla partikular sa Mercedes na may balak pumunta sa sementaryo bago ang undas na huwag na munang tumuloy dahil suspendido ang biyahe ng bangka.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, hintayin na lang ang pagbuti ng lagay ng panahon dahil base umano sa forecast ng Pagasa ay magkakaroon ng improvement sa weather at sea condition bago pa man ang mismong araw ng undas.

Samantala sinuspinde na rin kagabi ang biyahe ng pampasaherong bangka sa Mercedes port to Manguisoc.

Ang mga apektadong residente sa pagkansela ng biyahe ay ang mga taga Barangay Manguisoc, Gaboc, Cayucyucan at Mambungalon sa bayan ng Mercedes.