Pinakamababang daily tally ng COVID-19 sa loob ng apat na buwan, naitala ng DOH

Naitala ang pinaka-mababang new cases ng COVID-19 kahapon.

Sa datos ng Department of Health, tanging 943 na mga bagong kaso lamang ang naidagdag sa case tally ng nakahahawang virus sa buong Pilipinas.

Read More:  Marcos vows to address nurse shortage, hospital vacancies

Tinatayang ito na ang lowest tally sa nakalipas na apat na buwan.

Sa naturang bilang, 248 new infections ang nagmula sa Metro Manila.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Kinumpirma naman ni OCTA Research fellow Guido David na ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso na 21,924 ang pinakamababa ring tally mula pa noong Hulyo.