Pangulong Marcos nangakong susuportahan ang modernization program ng PCG

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang patuloy na suporta sa Philippine Coast Guard sa kanyang pagdalo sa ika-121 anibersayo nito ngayong araw.

Sa kanyang talumpati sinabi ng Pangulo na kasama ng PCG sa bawat paglalayag nito, ang buong pwersa ng sambayanang Pilipino.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Binigyan-pugay din nito ang naging papel ng PCG sa maritime security pati na rin sa naging ambag nito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Bilang commander in chief, sinisiguro umano ni Marcos na laging nasa likod ang kanyang administrasyon sa mga pagsisikap at mga hakbangin para gawing moderno ang PCG na magdadala sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa bayan.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kasabay nito hinimok ng Pangulo ang PCG personnel na ipagpatuloy ang dedikasyon at pagpupursige sa mga tungkulin at responsibilidad pati na  ang pagsulong sa pagsasakatuparan ng vision na maging isang world-class na tagapangalaga sa karagatan na nakatuon sa pagliligtas ng mga buhay.