Kinumpirma ng host country na Cambodia, na hindi umano imbitado ang Myanmar’s junta leader sa regional summit sa susunod na buwan.
Ito ang bagong diplomatic snub para sa isolated military regime.
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nanguna sa diplomatic efforts para maresolba ang sigalot sa Myanmar, simula nang agawin ng militar ang kapangyarihan noong nakaraang taon.
Pero sa gitna nito, mayroong maliit na progress sa “5-point consensus” na napagkasunduan sa junta, at tinanggal ang kanilang lider at ministers sa bagong mga pulong ng 10-member regional bloc.
Sinabi naman ng Cambodian foreign ministry spokesman, na inimbitahan ang junta na mag-nominate ng non-political representative para sa nalalapit na ASEAN Summits.
Ibig sabihin, hindi pinapahintulutan si junta chief Min Aung Hlaing na dumalo, tulad sa ginawang pagharang sa top diplomat nito mula sa pagtitipond ng mga foreign ministers sa Phnom Penh noong Pebrero at Agusto.
