Nilagdaan na ni Russian President Vladimir Putin ang mga panukala para sa annexation sa apat na mga teritoryo ng Ukraine.
Batay sa dokumento ng gobyerno, ang Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia regions ay tanggap na sa Russian Federation, alinsunod sa konstitusyon ng Russian Federation.

Kaugnay nito, nilagdaan din ni Putin ang mga decrees na pormal na nagtatalaga sa kasalukuyang Moscow-backed heads ng apat na mga rehiyon, bilang kanilang acting leaders.
Una nito, ang annexation legislation ay unanimously na sinuportahan ng parehong mababa at mataas na kapulungan ng parliament ng Russia.