ITCZ magpapaulan sa Mindanao, Eastern Visayas at Palawan

Nakaka-apekto ngayon ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa PAGASA ang Mindanao, Silangang Visayas, at Palawan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

​​Posible naman ang flash flood o landslide sa nabanggit na mga lugar dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pagbuhos ng pag-ulan.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ at localized thunderstorms.