152nd Malasakit Center, binuksan na!

Pinangunahan ni Senador Christopher Bong Go ang opening o pagbubukas ng bagong Malasakit Center sa Tagkawayan, Quezon.

Ito na ang ika-isang daan at limampu’t dalawang Malasakit Center na naitayo ng Senador sa buong bansa.

Read More:  Marcos Seeks more foreign investments at APEC Summit

Ikalawang Malasakit Center naman ito sa buong probinsya ng Quezon at ika-labindalawa sa buong CALABARZON Region.

Kasabay ng isinagawang opening, pinangunahan din ni Senador Go kasama si Senador Robinhood Padilla ang groundbreaking ceremony ng isang seven-story building sa Maria L. Eleazar General Hospital sa naturang bayan.

Read More:  Marcos declares 2026 ASEAN Summit a success

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan niya ang mga frontliners at social workers sa bayan na huwag pababayaan ang mga mahihirap na siyang tunay na nangangailangan.
#