Nagbigay ng mahigit dalawang milyong piso ang Department of Social Welfare and Development Office sa lokal na pamahalaan ng San Marcelino.
Ito ay para sa supplemental budget para sa gagawing feeding activity sa mga day care pupil sa lugar.
Ang pondo ay ipinagkatiwala sa Municipal Social Welfare And Development noong September 7 bilang katuwang ng kagawaran sa pagpapakain sa mga bata.
Samantala, sa ngayon ay naghahanda na ang MSWD ng San Marcelino para sa paghahanda at pagtatakda ng araw para sa feeding activitity.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
courtesy of PIO SAN MARCELINO