Mayor ng Daraga, Albay, hindi gaanong naaalarma sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bayan

LEGAZPI CITY – “Walang dahilan upang maalarma”, ito ang naging pahayag ni Carlwyn Baldo, alkalde ng Daraga, Albay, patungkol sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.

Aniya, hindi naman masasabi kung dahil sa bakuna o hindi pagsunod sa mga protocols kaya nagkakaroon ng pagtaas ng kaso ng naturang sakit, dahil uso ang mga trangkaso dala ng pabagu-bagong panahon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Wala naman umanong high risk na COVID-19 cases, dahil may ilan na nakakarekober agad makalipas ang tatlong araw o isang linggo, habang ang iba naman ay asymptomatic, kung kaya hindi naman ito gaanong nakakaalarma para sa kanila.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ngunit, nilinaw naman ng alkalde na, hindi naman nila itinuturing na normal o natural na lamang ang naturang sakit, kundi wala lang talagang dahilan upang maalarma at magdeklara ng paghinto ng face-to-face classes at ibang mga negosyo. Patuloy pa rin ang paalala ng alkalde na palaging sundin ang health protocols, tulad na lamang ng pagsuot ng facemask.