Nanindigan si North Korean leader Kim Jong Un na hindi igi-give up ng kanilang gobyerno ang kanilang nuclear weapons at walang negosasyon sa denuclearization kasabay ng pagbati niya sa pagpasa ng batas hinggil dito.
Nakasaad sa batas na mai-enjoy ng Pyongyang ang karapatan na gamitin ang preemptive nuclear strikes para protaktahan ang kanilang sarili.
Sinabi ni Kim na sinasalamin ng nuclear weapons ang dignidad, body at absolute power ng kanilang gobyerno kasabay ng pag-welcome niya sa desisyon ng kanilang rubber-stamp parliament.
Binigyang diin ni Kim na ang adoption ng laws and regulations na may kinalaman sa kanilang national nuclear force policy ay isang remarkable event dahil deklarasyon ito na legally acquired ward deterrence bilang kanilang national defense.
Giit pa ng NoKor leader na patuloy silang magpapalakas ng kanilang nuclear force hanggat mayroong nuclear weapons sa mundo at mananatili ang imperyalismo at anti-North Korean maneuvers ng US at ng kanilang mga kaalyado.
