Panukalang batas na maghahati sa 2nd district ng SoCot, inihain sa Kongreso

KORONADAL CITY — ISANG panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Kongreso ni South Cotabato 2nd District Congressman Atty. Ferdinand Hernandez na may layuning hatiin sa dalawa ang 2nd district ng lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Hernandez, ipinaliwanag nito na sa ilalim ng House Bill No. 9421, magiging bahagi ng 2nd district ng South Cotabato ang lungsod ng Koronadal at mga bayan ng Tantangan at Banga.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Isinusulong naman na magiging sakop ng 3rd district ang mga bayan ng Norala, Sto. Nino, Surallah, Lake Sebu at Tboli.Paliwanag ng opisyal na hindi problema ang population requirement sa panukalang batas nito dahil marami na ang populasyon ng South Cotabato.

Layunin umano nito na magkaroon ng bagong develop na mga lider na magiging representante ng South Cotabato sa Kongreso.Maliban dito, magkakaroon din umano ng hiwalay na budget ang dalawang distrito na magiging daan para sa mabilis na development ng nabanggit na mga lugar.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa ng opisyal na hindi lamang ito para sa ika-uunlad ng ekonomiya ng South Cotabato ngunit magdadala rin ng malaking pag-unlad sa Upper Valley Area ng lalawigan.