City council nais buwagin ang MCOO na dahilan ng mga maling meter reading ng Soreco 2

SORSOGON CITY – Sa harap ng isyu kaugnay ng mali-maling pagbabasa ng metro ng mga meter readers ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO II), nais ng 8th City Council na mareview ang Member-Consumer-Owners Organization o MCOO na nalikha sa pamamagitan ng isang direktiba ng National Electrification Administration (NEA) at siyang nangangasiwa sa pagkuha ng mga tinatawag na one day meter reader.

Sa pahayag ni City Vice Mayor Eric Dioneda, kanila kasi umanong napag-alaman na may mga pagkakataon na ang mga MCOO Supervisors ay tahasan na nag-aalis ng mga one day meter reader, at sa kanila umanong palagay ay nagiging dahilan kung kaya nagkakaroon ng technical difficulty o technical problem sa meter reading dahil basta- basta lamang kung mag-alis at magpalit ng meter reader kaya hindi napagtutuunan ng pansin kung may sapat bang kaalaman o proper training ang mga bagong nakuhang meter reader.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Ayon dito, ang problema umano nito ay dahil ang mga MCOO ang may hurisdiksyon sa mga meter reader at hindi naman ang kooperatiba kung kaya kapag nagkakamali ay napapatawan lamang ang mga ito ng penalidad na bawas sa kanilang sahod habang ang member consumer naman ang apektado at nahihirapan at hindi umano ito makatarungan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang problema na ito ay dapat aniyang sinusulusyonan ng Soreco 2 dahil sa nasabing kooperatiba naman nagbabayad ang mga member consumers. Una rito, isang resolusyon ang inihain ni City Councilor Nestor Baldon upang suportahan ang plano ng Soreco 2 Board na alisin o buwagin na ang nasabing MCOO.