Pagpapadala sa mga estudyante ng kanilang sariling upuan bawal – DepEd Sorsogon

SORSOGON CITY – Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapadala sa mga estudyante ng kanilang sariling upuan.

Pahayag ito ni Department of Education DepEd Sorsogon Province Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillo sa harap ito ng kakulangan ng upuan ng ilang mga paaralan.

Ayon sa opisyal, sa mga ganitong pagkakataon at sitwasyon, dapat ay ang mga paaralan umano mismo ang gumagawa ng mga paraan kung paano ang mga ito ma-maximize ang mga available na resources gayundin makahanap at makahiram ng mga excess resources sa kanilang mga kalapit na eskuwelahan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maaari naman kasi umanong sumulat ang mga ito sa kanilang tanggapan upang mapayagan at maproseso ang pagpapahiram ng mga sobrang upuan o kagamitan. Sa huli pakiusap ng opisyal sa mga paaralan gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matugunan ang nasabing problema at huwag hahayaan na ang mga magulang o mga estudyante ang magpo-provide ng kanilang upuan sa paaralan dahil hindi umano ito pinapayagan ng Kagawaran.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City