EJ Obiena, nakakuha ng isa pang gold sa Germany

Patuloy ang pamamayagpag ni EJ Obiena sa second part ng kanyang season, matapos masungkit ang isa pang gold medal sa Germany, matapos manguna sa St. Wendel City Jump.

Na-clear ng Filipino pole vault ace ang 5.86 meters para manguna sa field, habang muling nagtala ng record sa tournament mula sa dati niyang 5.71 meters.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Si Obiena, na kababalik lang sa national team, ay sinubukan ang 6.0m, pero bigo ng tatlong beses, kaya nauwi sa 5.86m.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Matatandaan na noong nakaraang linggo  nang magbulsa rin ang 26-year-old athlete ng gold medal sa Germany, sa kanyang 5.81 meters jump.

Samantala, babalik sa aksyon ang world no. 3 na si Obiena sa September 2 para naman sa Memorial van Damme.