NTC inatasan ang mga Telco na maghanda sa posibleng epekto ng supertyphoon Henry

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga mga Telco company na maghanda para sa Super Typhoon Henry at tiyaking magkakaroon ng mabilis na pagpapanumbalik ng serbisyo sakaling maramdaman na ang epekto ng supertyphoon Henry.

Sa inilabas na memorandum ng NTC Commissioner Gamaliel Cordoba pinatitiyak nitong mayroong sapat na bilang ng mga technical, support team at standby generators na may dagdag na gasolina, kasangkapan, at ekstrang kagamitan sa mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng tropical depression “Gardo” at ang paparating na super typhoon na ‘Hinnamnor’.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sinabihan din ng NTC ang mga telecommunications firms na mabilis na subaybayan ang pag-aayos at pagpapanumbalik ng mga serbisyo ng telekomunikasyon sa mga lugar na maaapektuhan ng sama ng panahon at mag-deploy ng mga istasyon ng “Libreng Tawag at Libreng Charging” sa mga pangunahing lugar.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Pinaalalahanan din nito ang mga Telco na makipag-ugnayan sa mga LGU at sundin ang mahigpit na protocol sa kalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.